Kamakailan ay nagbukas na ang ating Malanday Public Library noong Mayo 17, 2023 na kung saan ito ay magiging bagong tahanan ng mga kabataan upang makatulong sa kanilang pag-aaral at gawain sa eskwela.
Taong 2018 ay ilan lamang ito sa mga platapormang inihain ni SK Chairman Mark Dela Cruz. Noong Disyembre 2021, ay nagkaroon na ito ng kulay ng simula ang konstruksyon ng nasabing pasilidad. At ngayong Pebrero 2023, pinasinayaan ang pagbubukas ng Kabataan Center na kung saan dito na matatagpuan ang nasabing Mini-Library at bagong Opisina ng SK Malanday.
Pilit itinaguyod ng SK Malanday ang proyektong ito upang mabigyan ng ilang arkitektura ang Sangguniang Kabataan na hindi lamang pumopokus sa pampalakasan kundi ay may layunin din tugunan ang ibang sektor at pangangailangan ng kabataan.
Nitong Mayo 22 ay nabigyan ng isang pagkilala din ang library ng ito ay malathala sa isang online news publication na 'Balita'. Narito ang buong istorya: https://balita.net.ph/.../wow-public-library-sa-isang.../