Kasagsagan ng pandemya na kung saan ang ating bansa ay isinailalim sa community quarantine at hindi ipinapahintulutan na makalabas ang mga tao dahil sa paglaganap ng Covid-19 kung kaya't lahat ng tao ay tunay na naapektuhan sa sitwasyong kinakaharap. Kabilang riyan ang mga sanggol at mga bata na nangangailangan ng gatas upang mapunan ang nutrisyon na kanilang kinakailangan sa araw-araw.
Bagaman ang pondo ng SK ay opisyal nang itinalaga sa disaster response bilang tugon sa kasalukuyang sitwasyon, hindi nagpatinag ang SK Malanday at humanap pa rin ng paraan upang matugunan ang pangangailangang ito sa paraan ng paglunsad ng isang donation drive na ipinamagatang PROJECT:BUNSOLB. Dito sa proyektong ito ay tunay na naipamalas ng bawat isa na sa kahit ano mang sitwasyon ay handa tayong tumulong sa ating kapwa.
Nakalikom ang SK Malanday ng halagang Php 83,275.65 na naipamili ng gatas at iba pang kakailanganin ng magulang para sa kanilang mga sanggol na kung saan ito ay personal na inihatid at iniabot sa mismong tahanan ng mga benepisyaryo ng ating butihing chairman na si Mark Dela Cruz kasama ang kanyang mga kagawad. Ang mga naging benepisyaryo ng proyektong ito ay ang mga household na mayroong naninirahang sanggol. Ang datos ay nakalap mula sa Baranggay Health Center.
Ang naturang proyekto ay naging isang makabuluhan at matagumpay na naidaos.