March 29, 2020 nang magsimula ang Stay At Home Ordinance
(Ordinance no. 670 | series of 2020). Ang nasabing ordinansa ay nagpapatupad ng
curfew hours mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Sa curfew hours ay hindi
pinapayagan na lumabas sa itinakdang oras ang mga mamamayan maliban sa mga awtorisadong
opisyal o manggagawa. Kaya naman ang lungsod ng Valenzuela ay agad na umaksyon
at nakipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Ang Sangguniang Kabataan ng Malanday ay tumulong sa
pag-iikot kasama ang mga Barangay Tanod upang umalalay at magbigay babala sa
mga residente ng ating barangay na sumunod sa Stay at home ordinance. Sinumang
lalabag dito ay maaaring mag-multa ng limang libong piso o community service.
Hinikayat din ang mga mamamayan na huwag nang lumabas ng bahay at sumunod sa lokal na pamahalaan dahil sa patuloy na paglaganap ng Covid-19. Kaya naman ang mga residente ng Barangay Malanday ay nakiisa at nagsikap na sumunod sa mga itinakdang panuntunan ng ating butihing Kapitan katuwang ang Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni Chairman Mark Dela Cruz.
// SKK Angelo Taylo