Isa sa parte ng Sustainable Development Goals ng ating Bb. Pilipinas International 2021 Hannah Arnold ay ang pagbabahagi ng isang kaalaman na hindi lamang isang beses makakatulong sa kanyang mga kababayan kundi ito ay maging bagong kaalaman na maari nilang magamit sa pang araw-araw. Isa ang barangay Malanday sa napili ni Bb. Hannah Arnolds na ganapan ng kanilang adbokasiya na "End poverty in all forms everywhere" . Siya ay nagbahagi ng kanyang kaalaman sa paggawa ng Dishwashing Liquid sa mga mamamayan ng Malanday. Kasama ng kanyang grupo, nagdala sila ng mga materyales na ipamimigay sa mga napiling kalahok sa Livelihood program na ito. Lahat ng naging kalahok nito ay umuwing masaya hindi lamang dahil sa bago nilang natutunan ngunit dahil din mayroon silang dalang gawain sa bahay na pwede nilang ibahagi sa kanilang mga kasamahan sa pamilya o sa kanilang mga kapitbahay. Isa lamang itong paraan upang ang simpleng pagbabahagi ng iyong bagong kaalaman sa ibang tao ay maaari kang makatulong sa mga taong nangangailangan. Bilang parte naman ng SK Malanday kami ay lubos na nasisiyahan na isa kami sa napili ni Bb. Arnold na pinagdausan ng kanilang adbokasiya, tunay nga namang hindi lang kagandahang pisikal ang kanyang dala ngunit pati na rin kagandahan ng kanyang puso. Maraming Salamat Bb. Pilipinas-International 2021 Hannah Arnold.