Alinsunod sa pagdedeklara na Under State of Public Health
Emergency ang bansang Pilipinas at ito ay mapapasailalim sa ECQ o Enhanced
Community Quarantine ng ilang buwan, isa ang DepEd at CHED sa mga naapektuhan
sa pagpapatupad nito. Ang mga klase sa Elementary, Secondary at Tertiary ng
Pampubliko at Pribadong Paaralan ay nakansela upang malimitahan ang galaw ng
tao sa ating bansa.
August
14, 2020 nang aprubahan ni Pres. Duterte na mailipat ang muling pagsisimula ng
klase sa October 5, 2020 kung kaya’t ang Sangguniang Kabataan ng Barangay
Malanday ay nagplano na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa mga mag-aaral
na maka-adapt sa panibagong pamamaraan ng pag-aaral.
October
19, 2020 nang ilunsad ng SK Malanday ang PROYEKTONG PANTAWID EDUKASYON, ito ay
naglalayon na makapag-bigay ng tulong at suporta sa mga mag-aaral na haharap at
susubok sa new normal na pag-aaral o
ang Distance Learning Modality. Ang
mga makatatanggap nito ay ang mga mag-aaral sa ALS (Alternative Learning
System), Junior High school, Senior High school at College na kasalukyang
naka-enroll sa kahit anong pampubliko o pribadong paaralan at lehitimong
residente ng Barangay Malanday. Ang proyektong ito ay nagkaroon ng registration
sa pamamagitan ng Google form, ang registration period ay nagtagal mula October
19, 7:00pm hanggang October 30, 11:59pm. Kinabukasan, November 1 ang naging
posting ng official list of recipients, paraan at ilang paalala sa pag-claim ng
Online Class and Educational Learning Kit. Ang bilang ng mga naging
benepisyaryo sa ALS, JHS, SHS, at College ay may kabuuang bilang na humigi’t
kumulang 800 benepisyaryo.
Nov. 7,
2020 ang naging claiming schedule for Online Class and Educational Learning Kit
para sa mga Official Recipients sa pangunguna ng SK Malanday Council. Ang pag
claim ay nagkaroon ng magkaibang oras, 9:00am-12:00nn para sa mga mag-aaral sa
ALS at JHS, 2:00pm-5:00pn naman sa SHS at College Students. Ito ay ginanap sa 3rd
floor, 3S Center Malanday.
Ang
kagamitang naipamahagi ay mula sa buwis ng taumbayan na siyang magagamit ng
ating mga kabataang nangangailangan upang masuportahan ang kanilang pag-aaral
ngayong pandemiya kaya naman lubos ang pasasalamat ng SK Malanday Council sa
Sangguniang Barangay ng Malanday sa pangunguna ni Kap. Efren Santiago sa
suporta, sa Philippine Army sa pamumuno ni Corp. Jaway na tumulong sa
pagpapanatili ng kaayusan sa claiming area at lalo’t higit sa ating mga Tax
Payers.
Tunay nga na malaki ang pagbabagong nararanasan ng bawat isa sa panahon ngayon ngunit hindi nito mahahadlangan ang kagustuhan ng bawat mag-aaral na abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay.
//SKK Jianne Duque