Isa sa mga inaabangan nating mga kabataan ang buwan ng
Agosto dahil dito ang itinalagang araw natin. Noong panahong wala pa ang
pandemya ay nagkaroon kaming SK MaLanday ng mga munting patimpalak para sa
aming nasasakupan. Taong 2019 nang magsagawa kami ng PITIKabataan: Mobile
Photography kung saan walong kabataan na nagpakita ng kanilang husay sa pagkuha
ng litrato. Kasunod niyan ay ang TAGISALITAAN: Spoken Word Poetry kung saan
labingpitong indibidwal naman ang nakilahok at nagpakita ng kanilang angking
talento sa pagbigkas ng kanilang piyesa. Ang huli ay ang SAYAWIT kung saan
limang pangkat mula sa Malanday National High School at Alternative Learning
System ang nakilahok at nagpakita ng kanilang talento sa pagsasayaw habang
umaawit.
Subalit nang dumating ang pandemya taong 2020 ay nagulat ang
lahat ngunit hindi nito napigilan ang SK Malanday na mag-serbisyo sa Linggo ng Kabataan.
Kami ay gumawa ng paraan upang maidaos pa rin ang araw nating mga kabataan na
nagsimula sa GUHITNITA kung saan pinakita nila ang kanilang angking talento sa
pagguhit. Kasunod niyan ay ang FACESHIONISTA kung saan lumabas ang galing ng
kabataan ng malanday sa pagmomodelo ng kanilang sariling likhang face mask at
face shield. Isa rin sa mga proyekto ng SK Malanday ang TANAWAN na
maihahalintulad sa slogan making contest, ang kaibahan lamang ay tunay na
larawan ang naging background ng tulang may kaugnayan sa pandemya. Sa #YOUTHMATTERS
naman nagkaroon ng tagisan ang ilan sa ating mga kabataan ng kanilang mga
naging paraan sa pagtulong sa gitna ng pandemya kahit na sa maliliit na paraan
lamang.
Patunay lamang iyan sa husay ng kabataan ng Malanday at nawa’y huwag kayong magsawa sa pakikiisa at pagtangkilik sa mga patimpalak ng SK Malanday dahil lahat ng ito’y pinaghihirapan, pinag-iisipan at pinaghahandaan para sa inyong lahat at bilang ganti ay ipinapangako naman naming hindi kami mapapagod maglingkod.
// SKK Abigail Jabel