Ang Profiling of Youth Organizations ay isang proyekto ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Malanday na binubuo ng Labing-tatlong Organisasyon mula sa Kabataan ng Barangay Malanday. Ito ay binubuo ng mga TWTI Youth Organizations, Parish Commission on Youth – HJMP Malanday, ACA Youth Club, Hulo Youth Organization, MVSHAI Youth Organization, Gaanan-Urrutia-Riverside Youth Organization, Act for Change Youth Organization, Teens for Truth Youth Organization, San Andres Youth Organization, Pag-asa Youth Association of the Philippines – Malanday Chapter, Batang REX Malanday Chapter, WIN Youth Club Malanday Chapter, WES Youth Club Malanday Chapter at Kabataang Luv ni Lorie Malanday Chapter. Nagkaroon din ng eleksyon ang bawat organization na bagong buo pa lamang at naging saksi dito ang SK Malanday. Ang proyektong ito ay nabuo upang mas maging aktibo sa bawat proyekto at kaganapan sa barangay ang mga kabataan na mula sa iba’t ibang sitio.
Ngayong 2022 nang mag-umpisang mabuo ang proyektong Profiling of Youth Organization kung saan malalaman ang bawat layunin at klase sa komunidad ang kanilang nais tulungan at paglingkuran. Dito, malalaman ng SK Malanday kung saan at anong klaseng proyekto sila nababagay na makipag-ugnayan upang sa gayon ay mas mapalawak pa nila ang kanilang kaalaman, karanasan at gayundin ang kanilang mga natutulungan. Sa ganitong paraan, natutulungan at nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makisalamuha sa mga tao at sa iba’t ibang proyekto para sa komunidad.