Mask for the Youth

Health | 08-29-2020

Sa unang bugso ng mga kaso ng Covid 19 sa Pilipinas, isa sa mga naging pagbabago sa ating bansa ay ang pangangailangan ng pagsuot ng Face Mask tuwing tayo ay lalabas. Ito ay isang malaking  pagbabago sa mga Pilipino at hindi ito naging madali dahil suliranin ang pagsunod dito. Naging problema rin ng mga Pilipino ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga disposable at reusable face mask.

Ito ang nag-udyok sa SK Malanday na mag-isip ng simpleng proyekto tulad ng pamamahagi ng reusable face mask. Ang mga ito ay dinala house to house upang maiwasan ang paglabas ng mga mamamayan sa barangay. Binigyan din ang iba’t ibang Youth Organizations upang ipamahagi sa kanilang mga miyembro. Ang tela at disenyo na ginamit sa mask ay masusing pinili ng konseho upang masiguro ang proteksyon na ibibigay sa gagamit nito. Sinamahan din ang mask ng isang banig ng Vitamin C upang makatulong sa pagpapalakas ng resistensya na may malaking bahagi ng paglaban sa virus.

Ang nasabing proyekto ay nagkaroon ng magagandang feedback mula sa mga nabahagian patunay na ang simpleng programa ay naging malaking tulong sa mga kabataan. Nakatutuwa pa na hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga mamamayan na makikitang  gumagamit ng mask mula sa SK Malanday. Tunay nga na maging ang isang maliit na bagay ay nagiging malaking tulong para sa mga kapwa nating mabibiyayaan nito.

// SKK Nethacia Narvaja



Malanday Public Library

05-22-2023
Education

MALANDAY COLOR RUN 2023

04-30-2023
Special Projects

Malanday SportsFest 2023

12-11-2022
Active Citizenship

Dishwashing Soap Livelihood Training

11-03-2022
Economic Empower

Miss Malanday 2022

09-18-2022
Special Projects

Profiling of Youth Organization

08-14-2022
Governance

QuaranThingsToDo: Sugod Bahay Edition

04-25-2022
Special Projects

KK ID and VCvax Registration

07-18-2021
Special Projects

QuaranThings-To-Beyond

04-25-2021
Special Projects

Ceremonial Turn-Over of SK Funds

03-05-2021
Other

Pamaskong Handog ng SK Malanday

12-20-2020
Active Citizenship

MALANDAY PARA SA MALANDAY

11-21-2020
Special Projects

SK Response to Typhoon Ulysses

11-07-2020
Disaster Resiliency & Environmental Protection

Proyektong Pantawid Edukasyon

11-07-2020
Education

Linggo ng Kabataan 2020

08-31-2020
Governance

Padayon na, Malanday!

06-05-2020
Disaster Resiliency & Environmental Protection

Project Bunsolb

05-20-2020
Education

Bawal lumabas!

03-29-2020
Peace & Order

Pink Society Malanday Chapter - Election of Officers

01-10-2020
Social Inclusion & Equity