Noong nagdaang pandemya nagkaroon ng isang proyekto ang SK Malanday na naglalayon na hindi lamang makatulong ngunit pati na rin ang magbigay kasiyahan sa mga manunuod nito. Ito din ay naging paraan upang makapagbahagi ang SK Malanday ng mga napapanahong paalala upang malaman ng ating mga kabarangay ang mga napapanahong impormasyon ito ay ang QuaranThingsToDo Photo Challenge of the Day. Ngunit ng unti-unti ng lumuwag ang mga health protocols nagkaroon ng bagong konsepto ang nasabing proyekto, ito naman ay tinawag na QuaranThingsToDo: Sugod Bahay Edition. Ang bagong konsepto ay kapareho lamang ng palatuntunan ng nakakaraang edisyon upang makasali, ang nabago lamang dito ay ang pagbibigay ng mga papremyo. Matapos mamili ng dalawang maswerteng mananalo ang konseho ito ay pupuntahan sa kanya mismong tahanan at magbibigay ng papremyo, kagaya na lamang ng pagkain, gamit sa bahay at grocery package. Bahagi din ng programa ay ang pagbabahagi ng kanilang personal na kwentong pagbangon sa pandemyang nagdaan upang magbigay ng inspirasyon sa ating manunuod. Hindi lamang doon natatapos ang mga papremyo dahil madami anga nagbibigay ng interest sa nasabing proyekto mayroon pang pipiliin na 3 mula sa comment section at 4 mula sa mga live viewers. Ang proyektong ito ay hindi lamang naglalayong makatulong bagkus ito ay isang tanda na sa simpleng paraan ay kaya nating magbigay ng kasiyahan sa labi ng ating mga kabarangay.