Kamakailan ay naglunsad ang SK Malanday ng Relief Operations para sa mga taga-Malanday hindi ng Valenzuela kundi sa mga taga-Marikina. Ang Malanday, Marikina ang isang mga lubhang hinagupit ng Bagyong Ulyssess noong nakaraang taong 2021. Labis na pinsala sa kabuhayan at kabahayan ang naging epekto ng kalamidad na ito.
Kaya, bilang nagkakaisang mamamayan ay ninais natin maghatid ng tulong sa ating mga kababayan sa Malanday kung kaya ay inilunsad ang #DamayMalanday: Relief Operations. Ang SK ay nangalap ng mga tulong donasyon mula sa iba’t ibang indibidwal, pribadong organisasyon at kumpanya at iba pang pamilya na siyang ipinambili ng mga pangangailangan ng mga nasalanta tulad ng pagkain, tubig, kasuotan, higaan, at iba pa.
Naging matagumpay ang proyektong ito sa tulong ng ating butihing ama ng lungsod, Mayor REX Gatchalian at Kap. Efren Santiago sa pakikipagugnayan sa Punong Barangay at SK Chairman sa Barangay ng Malanday sa Marikina na sina Kap. Mark James Alfonso at SKC Amen Gandamanto.
Sa diwa ng bayanihang ito, naipamalas natin ang malasakit at pagdamay ng bawat isa.
// SKC Mark Dela Cruz