Ang Pink Society ay kilalang non-government organization sa
Valenzuela na tumutugon sa primary concerns ng mga miyembro ng LGBT Community.
Sila rin ay tumutulong sa komunidad sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga
proyekto.
Ang Pink Society sa Valenzuela ay nahahati sa iba’t ibang
pangkat na tinatawag nilang “Chapter”. Kadalasan, nakatuon ang kanilang pansin
kung saang chapter sila kabilang. Gayunpaman, ang kada chapter na ito ay nasa
ilalim pa rin pamamahala ng Pink Society sa Valenzuela.
Noong January 10, 2020 ay nagkaroon ng pagpupulong at
pagtatalaga ng pamunuan ang bagong tatag na Pink Society – Malanday Chapter sa
pangunguna ng itinalagang pinuno na si Mitchie Napura. Ang inyong lingkod ay
dumalo sa nasabing pagpupulong upang magbigay suporta at magsilbing kinatawan
ng SK Malanday. Dito ay naghalal sila ng pamunuan na mangangasiwa sa organisasyon
at napag-usapan na rin ang ilan sa mga proyekto na kanilang ilulunsad. Sila rin
ay nangakong magbibigay suporta sa mga magiging proyekto ng SK Malanday.
Ang SK Malanday ay sumusuporta sa mga adhikain ng iba’t ibang grupo na nakakatulong sa komunidad.
// SKK James Caacbay