Padayon na, Malanday!

Disaster Resiliency & Environmental Protection | 06-05-2020

Noong nakaraang taon , ang buong mundo ay nagkaroon ng pandemya na tinatanawag na SARS-CoV o Covid 19. Isa ang Pilipinas sa lubos na naapektuhan ng virus na ito. Kaya naman ang buong Luzon ay kinailangang sumailalim sa ECQ o Enhance Community Quarantine. Karamihan ay nahinto sa kani-kanilang hanapbuhay dahilan para mawalan ng pagkukuhaan ng pansuporta sa pang araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain.

Kaya naman ang Sangguniang Kabataan ng Malanday ay nakiisa sa programa ng ating Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng pagre- repack ng mga food packs para sa mga mamamayang Valenzuelanos. Naging katuwang ng SK Malanday rito ang iba’t ibang volunteers mula sa mga organisasyon hanggang sa mga pribadong indibidwal. Isinasantabi nila ang init, pagod at gutom upang makatulong sa kapwa. Makikita ang saya ng bawat isa habang ginagawa ang mga ito. Patunay na Valenzuela ay puno ng kasiyahan, malasakit at disiplina.

Tunay pa ngang walang kapaguran ang konseho ng SK Malanday dahil hindi lamang sa pagre-repack ng food packs sa Alert Center natatapos ang kanilang araw sa pagtulong. Matapos ang mahabang araw sa Alert Center ay agad silang dumiretso sa Andres Fernando Elementary School upang manguna sa pagre-repack ng Barangay food packs o dagdag na relief goods para sa ating mga ka-barangay. Sa munting paraan naipamalas ng ating mga kabataan ang malasakit at bayanihan.

Sama-samang lumaban! Sama-samang magtatagumpay! Sulong Malanday!

//SKK Romel Martin



Malanday Public Library

05-22-2023
Education

MALANDAY COLOR RUN 2023

04-30-2023
Special Projects

Malanday SportsFest 2023

12-11-2022
Active Citizenship

Dishwashing Soap Livelihood Training

11-03-2022
Economic Empower

Miss Malanday 2022

09-18-2022
Special Projects

Profiling of Youth Organization

08-14-2022
Governance

QuaranThingsToDo: Sugod Bahay Edition

04-25-2022
Special Projects

KK ID and VCvax Registration

07-18-2021
Special Projects

QuaranThings-To-Beyond

04-25-2021
Special Projects

Ceremonial Turn-Over of SK Funds

03-05-2021
Other

Pamaskong Handog ng SK Malanday

12-20-2020
Active Citizenship

MALANDAY PARA SA MALANDAY

11-21-2020
Special Projects

SK Response to Typhoon Ulysses

11-07-2020
Disaster Resiliency & Environmental Protection

Proyektong Pantawid Edukasyon

11-07-2020
Education

Linggo ng Kabataan 2020

08-31-2020
Governance

Mask for the Youth

08-29-2020
Health

Project Bunsolb

05-20-2020
Education

Bawal lumabas!

03-29-2020
Peace & Order

Pink Society Malanday Chapter - Election of Officers

01-10-2020
Social Inclusion & Equity