Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Malanday sa Valenzuela City ay nagsagawa ng taunang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan, isa sa pinaka-inabangan na proyekto ng SK Malanday ay ang pagbabalik Miss Malanday 2022 na binubuo ng anim na naggagandahang kababaihan may taglay na adbokasiya na gustong isulong para sa kapakanan ng mga kabataan.
Layunin ng SK Malanday na bigyang-pansin ang mga kabataang kababaihan na palakasin ang kanilang kumpyansa sa sarili, ipamalas at ipakita ang kanilang talento at talino, ipagmalaki ang kanilang kagandahan sa harap ng maraming tao.
September 17, 2022 sa ganap na ika-7 ng gabi sa Andres Fernando Elementary School naganap ang nasabing kumpetisyon na Miss Malanday 2022. Dito ay dumalo ang maraming kabataan na suporters ng bawat kalahok kasama rito ang kanilang mga pamilya. Talagang napuno ang paaralan dahil sa daming nag abang at pimunta ng gabing ito. Nagtagisan ng kaniya-kanyang mga talento sa pag rampa ang anim na kalahok pinamalas din nila ang kanilang talino sa pag sagot sa bawat katanungan ng mga hurado. Talagang nagnining ang kagandahan ng mga Kabataang Malanday sa ibabaw ng intablado. Kalaunan din ay nagpasya ang mga hurado kung sino ang tatanghalin na Miss Malanday 2022 unang pinarangalan ng 2nd Runner up si Miss Queenie Cantillon ng sitio lingahan, sumunod na pinarangalan ng 1st runner up si Miss. Clarisa Daniela Taylo ng sitio libo at ang tinanghal na kauna-unahang nanalo sa Miss Malanday 2022 ay walang iba ay si Miss. Marvie Daigan ng sitio lingahan.
Talagang kabilib-bilib ang pinakita at pinamalas ng bawat kandidata sa itaas ng intablado muling nabuhay ang kagandahang pisikal, mentalidad at husay ng mga kabataang malanday gayun din sila ay nag iwan ng inpirasyon sakanilang kapwa kabataang kababaihan.
#MISSMALANDAY2022
#LNK2022